It's My Life!
this is my world... come and know me more...

Join the forum, it's quick and easy

It's My Life!
this is my world... come and know me more...
It's My Life!
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Haizzz... Buhay Nga Naman...

Go down

Haizzz... Buhay Nga Naman... Empty Haizzz... Buhay Nga Naman...

Post  Web Administrator Wed Aug 12, 2009 6:22 am

haizzz… isang araw na naman at walong oras na naman ang bubunuin sa mahapon upang matapos ang isang otso oras na trabaho… nakakapagod na… mag-isp, gumalaw, kumilos kung ano nga ba ang dapat unahin… nakakapanlumo sa bawat oras na lumilipas na alam mo na may kulang sa iyong pagkatao… kalungkutang bumabalot at nanunuot hanggang kaluluwa… sa pagdungaw sa labas ng gusali, nakita ko ang mga ibon na malayang lumilipad sa kalangitan na animo’y nagsasabing sila ay malaya at kayang gawin ang lahat ng bagay na maibigan nila…

bakit nga ba ganito na lang palagi ang aking nararamdaman… parang may kakulangan sa aking pagkatao… ilang taon ko na din hinahanap kung ano ang bagay na ito ngunit sa kasamaang palad hanggang sa ngayon ay hindi ko pa din matugunan ang bagay na ito… matagal na nag-isip, nakatingala sa langit… animo’y naghihintay ng patak ng grasya na katulad ng ulan… hindi mawari kung ano ba talaga ang lumulukob na kalungkutan sa aking katauhan… ang hirap hanapin ng bagay na hinahanap mo, parang napakalupit ng tadhana na ayaw nya ipakita sa iyo…

lumilipas ang panahon at napag iwanan na ng mga kasabayan, ng mga barkada… mayroon na silang magagarang sasakyan, bahay at kung anu-ano pa ngunit ikaw ay nariyan pa din sa isang sulok… nakasubsob ang ulo, malalim ang iniisip at patuloy sa pagbilang ng oras… ano nga ba ang kulang? ang hirap sagutin ang katanungan na animo’y wala namang tiyak na kasagutan… haizzz…. ang buhay nga naman…

pagdakay biglang pumasok sa aking isip… bakit kailangan ko mainggit sa kanila… may sarili ako personalidad at kakayahan… mayroon man silang mararangyang kabuhayan at kayamanan, aking napagtanto na mas higit ang kayamanan ko sa kanila… nariyan ang aking pamilya na lubos na nagmamahal sa akin, mga kaibigan na lagi ko kasama hindi lamang sa ginhawa maging sa oras na ako ay lugmok sa mga problema at higit sa lahat, kasama ko si BOSSING na siyang nagbibigay sa akin ng lakas upang patuloy kong harapin ang patuloy na hamon ng buhay.

wala man akong materyal na kayamanan ngunit ako naman ay sagana sa pagmamahal, mga kaibigan at isang DIYOS na nagmamahal at kumakalinga sa akin, saan ka pa?
Web Administrator
Web Administrator
Admin

Posts : 611
Join date : 2009-06-29
Age : 52
Location : Land of the Original Magdalo's...

https://bsme89115562.forumotion.net

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum